!!> PDF / Epub ✅ Anim na Sabado ng Beyblade at Iba Pang Sanaysay ❤ Author Ferdinand Pisigan Jarin – Rvtrek.info

Anim na Sabado ng Beyblade at Iba Pang Sanaysay May hiwalayang nakakamanhid ng pagkatao May hiwalayang nagtatangal ng sarili pati kaluluwa Mayroon din namang magpapasalamat ka dahil buti na lang nangyari na Mayroong nagiiwan sa atin ng galit habangbuhay at nariyan din ang may kasamang pagpapatawadSampung kuwento ng buhay ni Ferdinand Pisigan Jarin FPJ o mas kilalang Sir Fredz sa mga taga Philippine Normal University PNU Mahuhusay ang pagkakalahad ng mga kuwento kaso mo lang ang problema ko kasi sa ganitong mga akda, alam nating mambabasa na di sinasabi at di kayang sabihin ang lahat sa atin Paano ba isasalibro ang buong buhay Paano ba pinipili kung alin ang isusulat o hahayaang ilihim o di ibunyag Paano iisipin ng isang mambabasa kung ano ang intensyon ng sumulat na nagbabahagi ng mga sana y personal na karanasan Anong mapapala ng isang mambabasa para alamin ang buhay ng may buhay ang buhay ng isang manunulat Kahit ano man ang sagot sa mga tanong na ito, di ko pa rin mapapasubalian ang isang bagay mahusay sumulat si FPJ Epektibo syang magpaiyak Kung di lang ako sa barberya kanina, baka namuo yong luha sa mata ko doon sa pinakahuling kuwento Yong alam mo sincere at di ka gino goodtime lang di kagaya ng kadramahan ni Hazel Grace Lancaster at Augustus Waters na alam mong pinaglalaruan lang ang emosyon mo dahil fiction.Hiwalayan Binanggit itong mga salitang ito ni FPJ noong humiwalay siya sa tatlong bakla na kasama niya sa kuwarto kung saan siya tumira ng dalawang taon matapos makipaghiwalay sa kanyang asawa Di tulad ng kuwento ng kaibigan niyang si Rene O Villanueva ROV sa Personal Mga Sanaysay sa Lupalop ng Gunita 4 stars hindi yata bakla o silahis itong si FPJ kahit maraming kaibigang bakla Ewan ko rin lang kung ito yong hindi sinasabi sa memoirs o personal sanaysay na kagaya nito Maging si ROV ay sinasabing bakla kahit pa may asawa at apat na anak Itong si FPJ ay may mga naging kasintahang babae bago nakabuntis at nagkaanak ng dalawa at ngayon yata ay may asawa nang iba at may anak na isa Di naman kabawasan sa libro kung itatago yon kaso lagi ngang puwedeng isipin na bumabasa na kulang ang pagsisiwalat tungkol sa sarili gaya na rin ng puna ko sa obrang nabanggit ni ROV.Magpaiyak, epektibo Magpatawa Ewan ko kung talagang di lang talaga ako madaling patawanin ng libro Pero ang librong ito ay kasama sa panitikan ng hampas lupa o anak dalita kaya mahirap tumawa kung ikukuwento nyang ang kanyang kapatid na si Michael, para makatulong kumita ng pera sa mama nyang iniwan ng papa nya noong apat na taong gulang pa lang siya ay nagtatapon ng tae ng mga kapitbahay ng japayuki dahil pare pareho silang walang kubeta sa Cembo O yong kumakain siya ng puwit ng manok sa KFC at sinasabayan ng puree ng Orange Juice Nakakaawa at di nakakatawa.May mga moral lessons 1 Huwag umasa sa iba Kung naging pari si FPJ dahil pinasok nya ang kumbento di dahil sa gusto nyang magsilbi pero para makatapos ng college, sana nabubuhay sya ngayon sa balatkayo na kunwari relihiyoso yon pala ginagamit lang nya yon para makatapos ng kolehiyo.2 Huwag magalit sa mga bakla Tatlong bakla ang kumupkop sa kanya noong gabing umalis siya sa kanyang pamilya Akala nya gagapangin siya ng mga bakla noong gabing yon Sa dulo pala, hindi at yong paghihiwalay niya sa tatlong bakla ang isa sa pinakamalungkot na paghiwalay na naranasan nya sa buhay niya.3 Huwag pagsamantalahan ang mga nagkakagusto sa inyo Hindi porke halatang patay na patay sa iyo ang isang tao ang kuwarto ng pobre babae, punong puno ng pangalan sa dingding ni Sir Fredz , puwede mo nang pagkaperaha o huthutan Hindi mapagsamantala si FPJ.4 Huwag matitiwala agad lalo na kung basehan lang ang hitsura kapogihan o kagandahan ng tao Hindi lahat ng mukhang lalaking lalaki ay lalaki Hindi lahat ng guwapo o maganda ay di mapagsamantala Naloko ang mama ni FPJ at iniwan silang tatlo na nganga ng isang may hitsurang lalaki.5 Mahalin mo ang tao habang kasama mo Pahalagahan mo ang kabaitang ipinakikita sa iyo Suklian at di yong ikaw lang ang tanggap ng tanggap at one sided ang dapat ay two way relationship Dahil kapag wala na ang taong iyon o kung patay na kagaya ni Rebo, saka mo makikita ang nawala sa iyo Kaya habang buhay pa ang taong mahal mo, ipakita mo ang pagmamahal mo Hindi lang ikaw ang may karapatang mahalin Magbigay ka rin.Paborito kong linya sa libroKaranasan pala talaga ang magsasabi kung ano ang mga larawan na gusto nating ilagay sa magiging album ng kanya kanyang buhayIkaw, anong mga larawan ang nasa album ng buhay mo Magkahalong emosyon ang naramdaman ko mula ng mabasa ko ang mga akda ni Sir FPJ Sir Ferdz Ung una seryoso, maya maya mapapaluha ka, may aksyon tapos bigla ka nalang tatawang mag isa.Ang mga Sanaysay na may saysay at mananalaytay sa isipan, iyon siguro ang impluwensiya nito sa akin Koleksyon ng mga Sanaysay, dito ang mga akda ni Sir Ferdz ay tumutukoy sa tunay na buhay, ang kahirapan, ang pakikipagsapalaran, pakikibagay tao, pagpupursige, pananalig, pagkawala o paglisan ng taong pinakamamahal at pagbangon muli Una ko syang nakilala dahil kay Ern, lagi nya sa aking sinasabi na basahin ko raw ung Anim na Sabado ng Beyblade Sabi ko sa kanya, bigyan mo ako ng link Ako kasi, minsan, tamad mag google Sabi nya sa akin, Palanca Awardee yung akda na un ni Sir sobrang enthusiastic Sabi ko, sige, hayaan mo, babasahin ko rin yun Dumating nga ung araw na yon, naglabas na ng libro si Sir Ferdz Sobrang excited ni Ern pumunta ng national bookstore sa may Market2x pero naubos na agad ung copy dun Syempre si ako, dahil gusto ko syang mapasaya haha, naghanap ako ng paraan para makuhaan sya ng kopya Kakagaling lang namin ni Charl nun sa EN, umattend ata kme ng service basta hapon na un Sabi ko sa knya, malapit na ung monthsarry nmn ni Ern, gusto ko syang bilihan ng libro, kaya nagpunta kme sa National uli, sabi ko baka may kopya na uli sila Di ako pinalad noon, sabi ko sa receptionist, saan po kayang branch meron Nagsearch syempre si Ate, sa may Greenbelt po Yehey, sa wakas meron na Makakabili na rin ako ng regalo Nabili ko naman, nairegalo ko at sobrang ikinatuwa ni Ern Pero nde ko pa rin nasimulan agad Nasimulan kong unang basahin ung kwento ni Rebo, ung ang pinakadulong part ng libro.Naluha ako, nde man ako ang nasa posisyon ni Sir Ferdz, naramdaman ko ang bigat ng pakiramdam ng mawalan ng hindi mo na pwedeng ibalik pa Naalala ko ang trabaho ko, ang pagiging nurse ko, sa mga panahong iyon, naisip ko ang sarili ko sa harap ng ilang pasyenteng naalagaan ko at sabihin na nating nakainisan ko rin Iba, ang pagiging magulang niya ay tunay na kahanga hanga Sabi ko, napakalinaw ng kanyang memorya ng kanyang pagkabata, kung paano sya nahubog ng mga karanasan nya noon Astig, maangas kung paano nya natungo ang pagkamit sa kanyang mga simpleng kagustuhan at pangarap para sa kanyang sarili at sa kanyang pamilya Nitong nakaraang mga buwan namin nakilala ng personal si Sir Ferdz, napakaikli lamang noon para higit syang makilala Nagpasya akong kilalanin syang maigi upang malaman ko pa ang kanyang kasaysayang naipon, hindi ako nagkamali, nabigyan ng kanyang libro ng kamulatan ang aking pagkatao. Review to follow.Hindi ko alam kung ano ang inaasahan ko no ng magsimula akong basahin ang librong ito Ang alam ko lang, hindi ko inaasahang maiyak At hindi lang isang beses ha O baka iyakin lang talaga ako pagdating sa libro. Kasalukuyang ninamnam pa ang pagtatapos ko sa libro Gagawan ko to ng rebyu, pramis Pahingi lang ng kaunting panahon. Pano Basahin Siguro sa dami ng nakikita kong mga ganitong sanaysay, hindi na ito kakaiba sa akin Siguro, noong ito ay inilaban sa Palanca, siya ang pinaka unang nagpasa ng ganitong uri ng panitikan O siguro, ito ang pinaka nakakurot ng puso ng mga hurado. Ang salaysay ni Jarin ay sumasalamin sa karaniwang tao at ang karaniwang tao sa aking pag babatid ay siyang may pinaka magagandang kuwento pero bihirang ikuwento.Kahanga hanga kung iisipin dahil pilit inaalala ng may akda ang masaya,malungkot,masalimuot at masakit na karanasan.Pinag sama sama upang makabuo ng isang obra Kasabay ng pag papatianod sa mga salaysay,dinadala ang mambabasa sa ibat ibang mga lugar,tagpo,taon,sitwasyon at mga taong nakilala na sinasabayan narin ng emosyon at damdamin habang binabasa.Bihira akong makabasa ng librong may kakayahang patawanin hanngang sa maluha ang mambabasa at the same time mag paiyak na parang ikaw ang namatayan ng mahal sa buhay Simula sa pag alala sa kanyang mga gunita noong musmos hanggang sa kung bakit Anim na Sabado ng Beyblade ang title ng libro lahat to naging malinaw sa akin.Napaka lakas ng loob ni Jarin upang ikasang kapan ang personal na buhay para mabuo ang napaka kathang salaysay.Walang hiya hiya at walang tinatago ang kanyang panulat.Bagay na nag paangat sa kanya at sa akda Ang hindi ko makakalimutan yung huling kabanata,damang dama ko ang mga panulat n a dito,lalo na kapag isinasalarawan ang pag hihirap nang kanyang anak Nakakahiwa sa esensiya ng kaluluwa ,na lahat gagawin para maisalba,lahat ibibigay para sa kaligayahan ng mahal mo.Pero ika nga ni Jarin Hindi sasapat ang pag mamahal para ipanangga sa sakit Hindi ko kinukwestiyon kung bakit eto ang naging medium nya isa lamang akong mambabasa na interesado sa mga libro.Napaka tapang kung tutu usin dahil parang pag tanggal sa langgib nang sugat ang kanyang ginawa na may tendensiyang bumalik ang hapdi,kirot at sakit na naidulot ng nakaraan.Kayat aabangan ang mga susunod na mga isusulat ni jarin dahil sa kanyang panulat mararamdaman ang pag papaka toto o at pag papaka tao. 3 star dahil isa ito sa koleksyon ng sanaysay na nagpahikbi uhh oo sige na nga, nagpaluha sa kin habang binabasa Hindi naman buong libro e malakas makahugot ng malungkot na emosyon Mas nakita ko ito bilang pagbabalik tanaw sa mga karanasang pinagdaanan ni sir Ferdie Hitik sa aral ng buhay ang bawat sanaysay na kasama sa kwentong ito Karaniwang karanasan man ang tampok kada sanaysay, parang bago pa din Sa sobrang karaniwan kasi ng mga bagay bagay e nakakaligtaan nating mapansin ang mga importanteng detalye na nakapaloob dito May dalawang parte ako may naramdaman sa puso ko, na parang sinundot ng dilang karayom ng manananggal haha naging Janus Silang bigla P Una, sa sanaysay na Quinabuangan, yung parte na kung paano sila iwan ng mama nila para magtrabaho papuntang Maynila Ako kasi ayaw ko nang iiwan nang tulog ako Yung paggising mo, wala nang kasama Mas masakit yun kesa sa iwan ka nang nakikita mo e Pangalawa naman yung sa Anim na Sabado ng Beyblade, bandang realisasyon na may mga bagay sanang pangmag ama silang magagawa kung mas mahaba sana ang nilagi nya sa mundo Paghahanap, pangungulila at panghihinayang Nakakadurog ng puso kahit kalian, kahit saan mabasa. Sitio Quinabuangan, Zambales At Ang Pagbabanda.Cembo, Makati At Ang Barko.Baclaran Sa Gabi, Para Sa Inyong Walang Mauwian.Sa Sampung Sanaysay, Inilalathala Ni Ferdinand Pisigan Jarin Ang Kabataan Niya Bilang Pulot Boy Ng Tennis Balls Sa Isang Marangyang Club, Ang Kanyang Pagsisikap Bilang Pinakamaliit Na Miyembro Ng D Pol Pisigan Band, At Ang Pagtungga Ng Michael Jordan At Olajuwon Bilang Agahan Sa Loob Ng Walk In Freezer Kasama Ang Iba Pang Service Crew Dito Nakalista Ang Mga Pangalan Ng Ex Girlfriends At Ng Iba T Ibang Bigong First Loves Narito Rin Ang Listahan Ng Mga Rambol, Mga Napatumba Niya Sa Inom O Sa Bakbakan, Mga Kalokohan Na Hindi Maiiwasan Sa Larangan Ng Pag Ibig, At Ang Tunay Na Rason Kung Bakit Tumakas Siya Mula Sa Kumbento.Narito Lahat Nang Walang Daya, Walang Labis, At Walang Kulang Mas Mahalaga, Walang Entrance Fee. sabi ni Reuel Aguila sa Intro niya sa librong ito, napagsama raw ang karaniwan at ang sining para tumalakay ng mga bagay na di kadalasang talakayin in general, ng panitikan in particular Tango naman dito, at maganda nga ang punto magandang pagnilayan, higit pa sa mga mainstream na literary practitioners, ng mga manunulat who identify themselves with the politics of the Left, and even further, those who identify themselves with the Leftist politics and who purports to advance the aesthetics of that Left Last medyo nakakaiyak yung last na kwento


About the Author: Ferdinand Pisigan Jarin

Si Ferdinand Pisigan Jarin ay isang manunulat, musikero, at guro Dating Literary Editor ng The Torch Publication at Aklas Literary Folio ng PNU Nagtapos siya ng BSE Social Science sa Philippine Normal University PNU Manila Awtor ng pambatang librong Si Lorkan, ang Matulunging Butanding ng 2002 UNICEF Tahanan Publishing at naging script contributor sa pambatang programang Batibot at Koko Kwi


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *